Pagcakilalang tunay n~g casamaang dapat nating pan~gilagan at n~g cagalin~gang dapat nating gawín--P.H.P.
[101] Nang panahóng nacapangyayari ang Gobierno n~g España sa Filipinas, hindî ipinahihintulot na ang m~ga castilang lalaki't babae'y gumawâ n~g anó mang may cabígatán, gaya bagá n~g mag-araro, mag-asaról, mag-pahila n~g carretón, magpas-an, ang lalaki, at ang babae namá'y hindi namimilí n~g pagcain sa m~ga pamilihan, hindi naglulutò, hindi naglalácad n~g maláyò; inaacala n~g m~ga castilang isáng casiraan n~g caniláng puri cung mapanood n~g m~ga filipinong sila'y gumagawa n~g mabigat, at nakikigaya namán sa canilá ang m~ga lahing castilà. Naguíng casabihán tulóy sa catagalugan, dahil sa bagay na itó ang "para ca namáng castila", "para ca namáng señora," sa m~ga lalaki't babaeng tagalog na aayaw magtrabajo n~g mabigát.--P.H.P.
[102] N~g panahóng sinasabi ni "Rizal" na nangyari ang sinasaysay sa librong itó, ang tawag sa bahay-bayan (Casa municipal) ay tribunal at ang tawag sa Presidente Municipal ay Gobernadorcillo (maliit na Gobernador) panglibác na pan~galan. Ang Gobernadorcillo'y tagapamahalà n~g bayan, hucóm sa m~ga mumuntíng bagay na usapín, tagausig sa masasamáng tao, taga panin~gíl as m~ga cabeza de barangay, nacaaalam n~g correo at ibá pa.--P.H.P.
[103] Waláng anó mang calabisán. Lubhà n~gang catotohanan ang sinasabing itó ni Rizal na sucat na ang alalahanín cung bakit hinatulang mapresidio ang iláng maririlag na guinoong filipino, n~g 1872 dahil sa sinapantahang sila'y m~ga cainalám sa m~ga nangyari sa arsenal n~g Tan~guay n~g taóng iyón. Ang isá sa lalong m~ga calaguímlaguím na sumbóng na guinawâ laban cay Don Antonio Maria Regidor ay ang pagcacuha sa isáng "aparador" n~g canyáng bahay, na "punong-punô n~g alaboc," n~g dalawampong "ejamplar" n~g librong La Cuestión Colonial na sinulat ni Labra. Basahin ang folletong "Carain~gang ipinadalá sa mahál na Hari ni Don Antonio María Regidor, na sinulat ni Don Manuel Silvela: Madrid 1872. Pinagdusahan sa Marianas ni Don Antonio María Regidor ang gayong cakilakilabot na "casalanan."
Ang isá pang nagdusa sa presidio dahil sa m~ga gayón ding casalanan ay si Don Máximo Paterno, na ipinagsanggalang n~g hindî malilimot na si Don Germán Gamazo sa ganitóng pananalitâ: "Gayon ma'y hindî piniit ó pinag-usig sa haráp n~g m~ga tribunal si Don Máximo Paterno, sa m~ga sandaling malapit na una ó hulí sa panghihimagsíc (sa Tan~guay). Panatag at umaasa sa canyáng sariling pagcawalang malay-sala, nan~gasiwang hayág, sa canyáng m~ga hanap buhay, mulâ n~g ica 21 n~g Enero, nangyari ang panghihimagsic, hangang sa ica 20 n~g Febrero na siya'y dinakíp sa canyáng bahay at inihatid sa cutà n~g Santiago. Pinag-usig siyá sa harap n~g m~ga Tribunal na hindî nacapágligtas sa canyá ang canyáng ganitóng pag-asa at capayapaan n~g loob, na nagpapakilalang maliwanag na hindi siyá sinasalaguimsiman n~g cahi't muntíng panimdín, palibhasa'y talastás, niyang siyá'y walang sala; at ang lalong cahapishapis ay siya'y hinatulang magdusa. Ang siyá'y nasamsamán n~g isáng bilang n~g "El Eco Filipino" (pamahayagang nagsásanggaláng sa Madrid n~g m~ga catuwiran n~g m~ga páring clérigo); ang siya'y umambág n~g caunting salapî sa pagtatatag n~g (pamahayagang) "El Correo de Ultramar" ... ang siyáng m~ga tan~ging cadahilanan mandin n~g hatol na siyá'y magdusa." (Basahin ang folleto: "Carain~gang ipinadalá sa Consejo Supremo de la Guerra ni Don Máximo Paterno na sinulat ni Don Germán Gamazo:" Madrid, 1873.)
Sa "El Correo de Ultramar" ay nan~gagsisulat ang m~ga pantás at macabayang castilang sina D. Ramón Mesonero Romanos, D. Mariano Urrabieta, D. Juan Miguel de Arrambide, D. José González de Tejada, Pedro Antonio de Alarcón, D. José Selgas, Baldomero Mendez, D. V. Guimera, D. José Ferrer de Coute, D. J. M. Bello, D. Luis Mariano de Larra at iba. ¿Naglalathalà bagá, ang "El Correo de Ultramar" n~g ano mang laban sa m~ga castilà? Ito'y catulad cung tanun~gíng: ¿sumulat baga si Rizal, si Marcelo Hilario del Pilar, si Mabínì, si López Jaena n~g ano mang laban sa catagalugan? Gayón ma'y pinag-uusig n~g m~ga fraile bawa't bumabasa n~g "El Correo Ultramar" dahil sa ang pamahayagang iyo'y hindi catoto n~g cadilimán n~g isip na dito'y pinipilit laganap n~g m~ga "cahalili n~g Dios."
Ang isá pang napapresidio ay ang sacerdoteng si Don Agustín Mendoza, na naramay rin sa nangyari sa Tan~guay. ¿M~ga cadahilanan? Dingguín ninyó ang canyáng abogadong si Don Rafael Maria de Labra: "ang lahat n~g m~ga sumbong n~g Fiscal laban sa nagsasaysay n~gayón ay maioowi sa dalawá lamang: ang una'y ang paglalaganap n~g isáng lihim na pamahayagang ang pamagát ay "El Globo," na sino may waláng nacapagharáp n~g cahi't isá man lamang na "ejemplar," at ang icalawa'y ang pagpapanucálà n~g m~ga lihim na pagpupulong, bagay na waláng nagbabalitâng policía ó sino mang táo n~g cahi't bahagya man lamang. Basahin ang folleto: "Carain~gang ipinadalá sa Poder Ejecutivo ni D. Agustin Mendoza", na sinulat ni Don Rafael María de Labra: Madrid, 1878.
Sa isáng salita: "antiespañol" (laban sa castilà) "filibustero" at iba pa ang lahát n~g filipinong sa canyáng lupain ay may tagláy n~g m~ga caisipang nauucol sa m~ga calayaan; n~guni't lalonglalò na cung ang m~ga caisipáng iya'y sumasacanyáng bahay sa pamamag-itan n~g m~ga libro ó n~g m~ga pahayagan, cailan ma't dumating ang isang capanahunan, dapat samantalahín ang capanahunang itó upang mapapresidio ang gayóng filipino.
Ang ibáng nan~gatitic sa itaas ay sinipi co sa "Vida y Escritosa n~g Dr. Rizal," sinulat ni G. Wenceslao E. Retana. Salamat sa casipagan at catalinuhan n~g guinoong itó'y maraming catotohanang hindî kilala ang n~gayo'y lumilitaw at numiningning.--P.H.P.
[104] Ang pagtiguil ó pagcapásalà n~g anomang bagay na m~ga "humor" sa alin mang bahagui n~g catawan.
[105] Sirâ ang isip.
[106] N~g panahóng iyo'y naititipon sa alcalde ang m~ga catungculang pagca hucóm, gobernador civil administrador n~g Hacienda, Subdelegado n~g Fondos Locales, administrador n~g Correos at iba pa.--P.H.P.
[107] Ang dalawang salamíng na sa m~ga tila bumbóng na tansô ó bacal, na cung doon sumílip ang sinó man ay nacacakita n~g m~ga na sa malayò.--P.H.P.
=V.=
=ISANG BITUIN SA GABING MADILIM=
Nanhíc si Ibarra sa canyáng cuarto, na nasadacong ilog, nagpatihulóg sa isáng sillón, at canyáng pinagmasdán ang boong abót n~g tin~gin, na malakí ang natatanaw, salamat sa nacabucás na bintanà.
Totoong maliwanag, sa caramihan n~g ilaw, ang catapát na báhay sa cabiláng ibayo, at dumárating hanggáng sa canyáng "cuarto" ang m~ga masasayáng tínig n~g m~ga instrumentong may cuerdas ang caramihan.--Cung hindî totoong guló ang canyáng isip, at cung siyá sana'y maibiguíng macaalam n~g m~ga guinágawâ n~g capowâ táo'y marahil ninais niyáng mapanood, sa pamamag-itan n~g isáng gemelos[108], ang nangyayari sa kinalalagyán n~g gayóng caliwanagan; marahil canyáng hinan~gâan ang isá, riyán sa m~ga cahimáhimaláng napapanood, isá riyán sa m~ga talinghagang napakikita, na maminsanminsang nátitingnan sa m~ga malalakíng teatro sa Europa, na sa marahan at caayaayang tínig n~g orquesta ay nakikitang sumisilang sa guitnâ n~g isáng ulán n~g iláw, n~g isáng bumúbugsong agos n~g m~ga diamante at guintô, sa isáng cárikitdìkitang m~ga pamuti, nababalot n~g lubháng manipís at nan~gan~ganinag na gasa ang isáng diosa, ang isáng "silfide"[109] na lumalacad na halos hindî sumasayad ang paa sa tinatapacan, naliliguid at inagaapayanan n~g maningning na sinag: sa canyáng pagdatíng ay cusang sumisilang ang m~ga bulaclác, nagbíbigay galác, ang m~ga sayáw, nan~gapupucaw ang matimyás na tugtugan, at ang m~ga pulutóng n~g m~ga díablo, m~ga ninfa[110], m~ga sátiro[111], m~ga génio[112], m~ga zagala[113], m~ga ángel m~ga pastor ay sumásayaw, guinagalaw ang m~ga pandereta, nan~gagpapaliguidliguid at inihahandog n~g bawa't isá sa paanan n~g diosa ang canícaniláng alay.
1 comment