Ang sakít na "cancer" ay tinatawag na "Noli me tangere," na ang cahuluga'y "Howag acong salan~gín nino man;" sapagca't cung laplapin at hindi macuhang maalís na lahat at may matirang cahi't gagahanip man lamang ay nananag-ulî at lalong lumalacas ang paglaganap, tulad sa inuulbusang halaman, damó ó cahoy na lalong lumálacas ang paglagô, at pagcacagayo'y lalong nadadalî ang pagcamatay n~g may sakit.--P.H.P.
[4] Tinatawag na civilización ang caliwanagan n~g isip dahîl sa pag-aaral n~g m~ga bago't bagong dunong. Nagpasimula ang tinatawag na "civilización moderna," ó bagong civilización, n~g icalabinglimang siglo, at nacatulong na totoo na bagay na ito ang pagcátuclas n~g limbagan.--P.H.P.
=NOLI ME TANGERE=
=I.=
=ISANG PAGCACAPISAN.=
Nag-anyaya n~g pagpapacain nang isáng hapunan, n~g magtátapos ang Octubre, si Guinoong Santiago de los Santos, na lalong nakikilala n~g bayan sa pamagát na Capitang Tiago, anyayang bagá man niyón lamang hapong iyón canyang inihayág, laban sa dati niyang caugalìan, gayón ma'y siyang dahil na n~g lahát n~g m~ga usap-usapan sa Binundóc, sa iba't ibang m~ga nayon at hanggang sa loob n~g Maynílà. N~g panahóng yao'y lumalagay si Capitang Tiagong isáng lalaking siyang lalong maguilas, at talastas n~g ang canyang bahay at ang canyang kinamulatang bayan ay hindî nagsásara n~g pintô canino man, liban na lamang sa m~ga calacal ó sa anó mang isip na bago ó pan~gahás.
Cawan~gis n~g kisláp n~g lintíc ang cadalîan n~g pagcalaganap n~g balítà sa daigdigan n~g m~ga dápò, m~ga lan~gaw ó m~ga "colado"[5], na kinapal n~g Dios sa canyang waláng hanggang cabaitan, at canyang pinararami n~g boong pag-irog sa Maynílà. Nan~gagsihanap ang ibá nang "betún" sa caniláng zapatos, m~ga botón at corbata naman ang ibá, n~guni't siláng lahát ay nan~gag iisip cung paano cayâ ang mabuting paraang bating lalong waláng cakimìang gagawin sa may bahay, upang papaniwalàin ang macacakitang sila'y malalaon n~g caibigan, ó cung magcatao'y humin~gí pang tawad na hindî nacadalóng maaga.
Guinawâ ang anyaya sa paghapong itó sa isáng bahay sa daang Anloague, at yamang hindî namin natatandâan ang canyang bilang (número), aming sásaysayin ang canyang anyô upang makilala n~gayón, sacali't hindî pa iguiniguibá n~g m~ga lindól. Hindî camí naniniwalang ipinaguibâ ang bahay na iyon n~g may-arì, sa pagca't sa ganitong gawa'y ang namamahala'y ang Dios ó ang Naturaleza[6], na tumanggap din sa ating Gobierno n~g pakikipagcayarì upang gawín ang maraming bagay.--Ang bahay na iyo'y may calakhan din, tulad sa maraming nakikita sa m~ga lupaíng itó; natatayô sa pampang n~g ilog na san~gá n~g ilog Pasig, na cung tawaguin n~g iba'y "ría" (ilat) n~g Binundóc, at gumáganap, na gaya rin n~g lahát n~g ilog sa Maynílà, n~g maraming capacan-ang pagcapaliguan, agusán n~g dumí, labahan, pinan~gin~gisdâan, daanan n~g bangcang nagdádala n~g sarisaring bagay, at cung magcabihirà pa'y cucunán n~g tubig na inumín, cung minamagalíng n~g tagaiguib na insíc[7]. Dapat halataíng sa lubháng kinakailan~gang gamit na itó n~g nayong ang dami n~g calacal at táong nagpaparoo't parito'y nacatutulig, sa layong halos may sanglibong metro'y bahagyâ na lamang nagcaroon n~g isang tuláy na cahoy, na sa anim na bowa'y sirâ ang cabiláng panig at ang cabilâ nama'y hindî maraanan sa nálalabi n~g taon, na ano pa't ang m~ga cabayo, cung panahóng tag-init, canilang sinasamantala ang gayong hindî nagbabagong anyô, upang mulà roo'y lumucsó sa tubig, na ikinagugulat n~g nalilibang na táong may camatayang sa loob n~g coche ay nacacatulog ó nagdidilidili n~g m~ga paglagô n~g panahón.
May cababâan ang bahay na sinasabi namin, at hindî totoong magaling ang pagcacàanyô; cung hindî napagmasdang mabuti n~g "arquitectong"[8] namatnugot sa paggawâ ó ang bagay na ito'y cagagawán n~g m~ga lindól at m~ga bagyó, sino ma'y walang macapagsasabi n~g tucoy. Isáng malapad na hagdanang ma'y cacapitáng culay verde, at nalalatagan n~g alfombra sa mumunting panig ang siyang daanan mulâ sa silong ó macapasoc n~g pintuang nalalatagan n~g "azulejos"[9] hanggang sa cabahayán, na ang linalacara'y napapag-itanan n~g m~ga maceta[10] at álagaan n~g m~ga bulaclac na nacalagay sa "pedestal"[11] na lozang gawâ sa China, na may sarisaring culay at may m~ga dibujong hindî mapaglirip.
Yamang walang bantay-pintô ó alilang humin~gî ó magtanong n~g "billete" ó sulat na anyaya, tayo'y pumanhic, ¡oh icaw na bumabasa sa akin, catoto ó caaway! sacali't naaakit icaw n~g tugtog n~g orquesta, n~g ilaw ó n~g macahulugáng "clin-clan" n~g m~ga pingga't cubiertos[12] at ibig mong mapanood cung paano ang m~ga piguíng doon sa Perla n~g Casilan~ganan. Cung sa aking caibigán lamang at sa aking sariling caguinhawahan, hindî catá pápagalin sa pagsasaysay n~g calagayan n~g bahay; n~guni't lubháng mahalagá ito, palibhasa'y ang caraniwan sa m~ga may camatayang gaya natin ay tulad sa pawican: hinahalagahan at hinihirang tayo alinsunod sa ating talucab ó tinatahanang bahay; dahil dito't sa iba pang m~ga anyô n~g asal, cawan~gis n~ga n~g m~ga pawican ang m~ga may camatayan sa Filipinas.--Cung pumanhic tayo'y agad nating marárating ang isáng malowang na tahanang cung tawaguin doo'y "caida"[13], ayawán cung bakit, na n~g gabing ito'y guinagamit na "comedor"[14] at tuloy salón n~g orquesta. Sa guitna'y may isáng mahabang mesa, na nahihiyasan n~g marami at mahahalagang pamuti, na tila mandin cumikindat sa "colado," taglay ang catamistamisang m~ga pan~gacò, at nagbabalà sa matatacuting binibini, sa walang malay na dalaga, n~g dalawang nacaiinip na oras sa casamahán n~g m~ga hindî cakilala, na ang pananalita't m~ga pakikikiusap ay ang caraniwa'y totoong cacaiba. Namúmucod n~g di ano lamang sa m~ga ganitong handang sa mundo'y nauucol, ang sumasapader na m~ga cuadrong tungcol sa religión, gaya bagá n~g "Ang Purgatorio", "Ang Infierno," "Ang hulíng Paghuhucom", "Ang pagcamatáy n~g banal," "Ang pagcamatáy n~g macasalanan," at sa duyo'y naliliguid nang isáng marin~gal at magandañg "marco" na anyong "Renacimiento"[15] na gawâ ni Arévalo, ang isáng mabuting ayos at malapad na "lienzo" na doo'y napapanood ang dalawang matandang babae. Ganitó ang saysay n~g doo'y titic: "Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, na sinasamba sa Antipolo, sa ilalim n~g anyong babaeng magpapalimos, dinadalaw sa canyang pagcacasakít ang banal at bantog na si Capitana Inés"[16]. Tunay mang ang pagcacapinta'y hindî nagpapakilala n~g "arte" at cabutihang lumikhâ, datapowa't nagsasaysay naman n~g caraniwang mamalas: ang babaeng may sakít ay tila na bangcay na nabûbuloc, dahil sa culay dilaw at azul n~g canyang mukhâ; ang m~ga vaso't iba pang m~ga casangcapan, iyang maraming m~ga natitipong bagay bagay sa mahabang pagcacasakít ay doo'y lubhang mabuti ang pagcacasipì, na ano pa't napapanood patí n~g linálaman. Sa panonood n~g m~ga calagayang iyong umaakit sa pagcacagana sa pagcain at nagúudyoc n~g ucol sa paglasáp n~g masasaráp na bagay bagay, marahil acalain n~g iláng may masamáng isipan ang may-arì n~g bahay, na napagkikilalang magalíng ang calooban n~g halos lahát n~g m~ga magsisiupô sa mesa, at n~g huwag namáng máhalatang totoo ang canyang panucalà, nagsabit sa quízame n~g maririkít na lámparang gawâ sa China, m~ga jaulang waláng ibon, m~ga bolang cristal na may azogueng may culay pulá, verde at azul, m~ga halamang pangbíting lantá na, m~ga tuyóng isdáng botete na hinipa't n~g bumintóg, at iba pa, at ang lahát n~g ito'y nacúculong sa may dacong ílog n~g maiinam na m~ga arcong cahoy, na ang anyo'y alan~gang huguis europeo't alan~gang huguis insíc, at may nátatanaw namáng isáng "azoteang"[17] may m~ga balag at m~ga "glorietang"[18] bahagyâ na naliliwanagan n~g m~ga maliliit na farol na papel na may sarisaring culay.
Nasasalas ang man~gagsisicain, sa guitnâ n~g lubháng malalakíng m~ga salamín at na n~gagníningning na m~ga araña[19]: at doon sa ibabaw n~g isáng tarimang[20] pino[21] ay may isáng mainam na "piano de cola"[22], na ang halaga'y camalácmalác, at lalò n~g mahalagá n~g gabíng itó, sa pagca't sino ma'y walang tumútugtog. Doo'y may isáng larawang "al óleo"[23] n~g isáng lalaking makisig, nacafrac, unát, matuwíd, timbáng na tulad sa bastóng may borlas na tagláy sa m~ga matitigás na daliring puspós n~g m~ga sinsíng: wari'y sinasabi n~g larawan:
--¡Ehem! ¡masdán ninyó cung gaano carami ang suot co at aco'y hindî tumatawa!
Magagandá ang m~ga casangcapan, baga man marahil ay hindî maguinhawahang gamitin at nacasasamâ pa sa catawan: hindî n~gâ ang icaiilag sa sakít n~g canyáng m~ga inaanyayahan ang naiisip n~g may-arì, cung dî ang sariling pagmamarikít.--¡Tunay at cakilakilabot na bagay ang pag-iilaguín, datapowa't cayó namá'y umuúpô sa m~ga sillóng gawáng Europa, at hindî palaguing macacátagpò cayó n~g ganyán!--itó marahil ang sinasabi niya sa canilá.
Halos punô n~g tao ang salas: hiwaláy ang m~ga lalaki sa m~ga babae, tulad sa m~ga sambahang católico at sa m~ga sinagoga[24]. Ang m~ga babae ay iláng m~ga dalagang ang iba'y filipina at ang iba'y española: binúbucsan nila ang bibíg upang piguilin ang isáng hicáb; n~guni't pagdaca'y tinátacpan nilá n~g caniláng m~ga abanico; bahagyâ na nan~gagbubulun~gan n~g iláng m~ga pananalitâ; anó mang pag-uusap na ipinagsúsumalang pasimulán, pagdaca'y naluluoy sa iláng putól-putól na sábi; catulad niyáng m~ga in~gay na náririn~gig cung gabí sa isáng bahay, m~ga in~gay na gawâ n~g m~ga dagâ at n~g m~ga butikî. ¿Bacâ cayâ naman ang m~ga larawan n~g m~ga iba't ibang m~ga "Nuestra Señora"[25] na nagsabit sa m~ga pader ang siyang ninilit sa m~ga dalagang iyong huwag umimíc at magpacahinhíng lubós, ó dito'y talagang natatan~gì ang m~ga babae?
Ang tan~ging sumasalubong sa pagdatíng n~g m~ga guinoong babae ay isáng babaeng matandang pinsan ni capitán Tiago, mukhang mabait at hindî magaling magwicang castilà. Ang pinacaubod n~g canyáng pagpapakitang loob at pakikipagcapuwa tao'y walâ cung ang dî mag-alay sa m~ga española n~g tabaco at hitsô, at magpahalíc n~g canyang camáy sa m~ga filipina, na ano pa't walang pinag-ibhán sa m~ga fraile. Sa cawacasa'y nayamot ang abáng matandang babae, caya't sinamantala niya ang paglagapác n~g isang pinggang nabasag upang lumabás na dalidalì at nagbububulong:
--¡Jesus! ¡Hintay cayó, m~ga indigno[26]!
At hindî na mulíng sumipót.
Tungcol sa m~ga lalaki'y nan~gagcacain~ga'y n~g cauntî. Umaaticabong nan~gagsasalitaan ang iláng m~ga cadete[27]; n~guni't mahihinà ang voces, sa isa sa m~ga súloc at manacanacang tinitingnan nila at itinuturo n~g dalirî ang iláng m~ga taong na sa salas, at silasila'y nan~gagtatawanang ga inililihim n~g hindi naman; ang bilang capalit nama'y ang dalawang extrangero[28] na capowâ nacaputî n~g pananamit, nan~gacatalicod camáy at dî umíimic ay nan~gagpaparoo't paritong malalakí ang hacbang sa magcabicabilang dulo n~g salas, tulad sa guinágawâ n~g m~ga naglalacbay-dagat sa "cubierta"[29] n~g isáng sasacyán. Ang masaya't mahalagáng salitàa'y na sa isang pulutóng na ang bumubuo'y dalawang fraile, dalawang paisano[30] at isáng militar na canilang naliliguid ang isáng maliit na mesang kinalalagyan n~g m~ga botella n~g alac at m~ga biscocho inglés[31].
Ang militar ay isang matandang teniente, matangcád, mabalasic ang pagmumukhâ, na ano pa't anaki'y isang Duque de Alba[32] na napag-iwan sa escalafon[33] n~g Guardia Civil[34]. Bahagyâ na siya nagsásalita, datapuwa't matigás at maiclî ang pananalitâ.--Ang isá sa m~ga fraile'y isang dominicong bata pa, magandá, malinis at maningning, na tulad sa canyang salamín sa matang nacacabit sa tangcáy na guintô, maaga ang pagca ugaling matandâ: siya ang cura sa Binundóc at n~g m~ga nacaraang tao'y naguing catedrático[35] sa San Juan de Letran[36]. Siya'y balitang "dialéctico"[37], caya n~ga't n~g m~ga panahong iyóng nan~gan~gahas pa ang m~ga anac ni Guzmang[38] makipagsumag sa paligsahan n~g catalasan n~g ísip sa m~ga "seglar"[39], hindî macuhang malitó siya ó mahuli cailan man n~g magalíng na "argumentador"[40] na si B. de Luna[41]; itinutulad siya n~g m~ga "distingo"[42] ni Fr. Sibyla sa mán~gin~gisdang ibig humuli n~g igat sa pamamag-itan n~g sílò. Hindî nagsasálitâ ang dominico at tila mandin pinacatitimbang ang canyang m~ga pananalità.
Baligtád ang isá namáng fraile, na franciscano, totoong masalitâ at lalò n~g maínam magcucumpás. Bagá man sumusun~gaw na ang m~ga uban sa canyang balbás, wari'y nananatili ang lácas n~g canyang malusóg na pan~gan~gatawán. Ang mukhâ niyang magandá ang tabas, ang canyang m~ga pagtin~ging nacalálaguim, ang canyáng malalapad na m~ga pan~gá at batìbot na pan~gan~gatawan ay nagbibigay anyô sa canyáng isáng patricio romanong[43] nagbalát cayô, at cahi't hindî sinasadya'y inyóng mágugunitâ yaong tatlong monjeng[44] sinasabi ni Heine[45] sa canyáng "Dioses en el destierro"[46], na nagdaraang namamangcâ pagcahating gabi sa isang dagatan doon sa Tyrol,[47] cung "equinoccio"[48] n~g Septiembre, at sa tuwing dumaraa'y inilálagay n~g abang mámamangca ang isáng salapíng pílac, malamíg na cawan~gis n~g "hielo," na siyang sa canya'y pumupuspos n~g panglulumó. Datapuwa't si Fray Dámaso'y hindî mahiwagang gaya nilá; siya'y masayá, at cung pabug-al bug-al ang canyáng voces sa pananalità, tulad sa isang taong cailan ma'y hindi naaalang-alang, palibhasa'y ipinalálagay na banal at walâ n~g gágaling pa sa canyáng sinasabi, kinacatcat ang sacláp n~g gayóng ugalî n~g canyáng táwang masayá at bucás, at hangang sa napipilitan cang sa canya'y ipatawad ang pagpapakita n~g m~ga paang waláng calcetín at m~ga bintíng mabalahíbo, na icakikita n~g maraming pagcabuhay n~g isáng Mendicta sa m~ga feria sa Kiapò.
Ang isa sa m~ga paisano'y isang taong malingguit, maitím ang balbás at waláng íkinatatán~gì cung dî ang ilóng, na sa calakhá'y masasabing hindî canyá; ang isá, nama'y isang binatang culay guintô ang buhóc, na tila bagong datíng dito sa Filipinas: itó ang masilacbóng pinakikipagmatuwiranan n~g franciscano.
--Makikita rin ninyó--ang sabi n~g franciscano--pagca pô cayó'y nátirang iláng bowan dito, cayó'y maniniwálà sa aking sinasabi: ¡ibá ang mamahala n~g bayan n~g Madrid at ibá, ang mátira sa Filipinas!
--N~guni't....
--Acó, sa halimbáwà--ang patuloy na pananalitâ ni Fr. Dámaso, na lalong itinaas ang voces at n~g dî na macaimíc ang canyang causap--aco'y mayroon na ritong dalawampo at tatlong taóng saguing at "morisqueta"[49], macapagsasabi aco n~g mapapaniwalâan tungcól sa bagay na iyan. Howág cayóng tumutol sa akin n~g alinsunod sa m~ga carunun~gan at sa mabubuting pananalitâ, nakikilala co ang "indio"[50].
1 comment