Acalain ninyong mulá n~g aco'y dumatíng sa lupaíng ito'y aco'y iniucol na sa isang bayang maliit n~ga, n~guni't totoong dúmog sa pagsasaca. Hindî co pa nauunawang magalíng ang wicang tagalog, gayon ma'y kinúcumpisal co na ang m~ga babae[51] at nagcacawatasan camí, at lubháng pinacaíbig nila aco, na ano pa't n~g macaraan ang tatlóng taón, n~g aco'y ilipat sa ibáng báyang lalong malakí, na waláng namamahálà dahil sa pagcamatáy n~g curang "indio" roon, nan~gagsipanan~gis ang lahat n~g babae, pinuspos acó n~g m~ga handóg, inihatid nila acong may casamang música....

--Datapowa't iya'y nagpapakilala lamang....

--¡Hintáy cayó! ¡hintay cayó! ¡howag naman sana cayóng napacanin~gas! Ang humalili sa akin ay hindí totoong nagtagal na gaya co, at n~g siya'y umalís ay lalò n~g marami ang naghatíd, lalo n~g marami ang umiyác at lalo n~g mainam ang música, gayóng siya'y lalò n~g mainam mamálò at pinataas pa ang m~ga "derechos n~g parroquia"[52], hangang sa halos nag-ibayo ang lakí.

--N~guni't itutulot ninyó sa aking....

--Hindî lamang iyan, nátira aco sa bayang San Diegong dalawampong taón, may iláng bowán lamang n~gayong aking.... iniwan (dito'y nagpakitang tila masamâ ang loob). Hindî maicacait sa akin nino mang dalawampong tao'y mahiguít cay sa catatagán upang makilala ang isang bayan. May anim na libo ang dami n~g taong namamayan sa San Diego, at bawa't tagaroo'y nakikilala co, na parang siya'y aking ipinan~ganac at pinasuso: nalalaman co cung alín ang m~ga lisyang caasalan nito, cung anó ang pinan~gan~gailan~gan niyon, cung sino ang nan~gin~gibig sa bawa't dalaga, cung ano anong m~ga pagcadupilas ang nangyari sa babaeng itó, cung sino ang tunay na amá n~g batang inianac, at iba pa; palibhasa'y kinucumpisal co ang calahatlahatang taong-bayan; nan~gag-iin~gat n~g mainam sila sa canicaniláng catungculan. Magsabi cung nagsisinun~galing aco si Santiagong siyang may arì nitong bahay; doo'y marami siyang m~ga lupà at doon camí naguíng magcaibigan. N~gayo'y makikita ninyó cung anó ang "indio"; n~g aco'y umalís, bahagya na acó inihatid n~g ilang m~ga matatandáng babae at iláng "hermano" tercero[53], ¡gayóng nátira aco roong dalawampong taón!

N~guni't hindî co mapagcúrò cung anó ang cabagayán n~g inyong m~ga sinabi sa pagcacaális n~g "estanco n~g tabaco"[54]--ang sagot n~g may mapuláng buhóc na causap, na canyang sinamantala ang sandaling pagcatiguil dahil sa pag-inom n~g franciscano n~g isang copita n~g Jerez[55].

Sa pangguiguilalas n~g dî anó lamang ni Fr. Dámaso ay cauntî nang mabitiwan nito ang copa. Sandalíng tinitigan ang binata at:

--¿Paano? ¿paano?--ang sinabi pagcatapos n~g boong pagtatacá.--Datapowa't ¿mangyayari bagang hindî ninyo mapagwarì iyang casíng liwanag n~g ílaw? ¿Hindî ba ninyó nakikita, anác n~g Dios, na ang lahat n~g ito'y nagpapatibay na totoo, na pawang cahalin~gán ang m~ga pagbabagong utos na guinágawà n~g m~ga minìstro?

N~gayo'y ang may puláng buhóc naman ang natigagal, lalong ikinunot n~g teniente ang canyang m~ga kilay, iguinagalaw ang ulo n~g taong bulilit na parang ipinahahalatâ niyang biníbigyan niyang catuwiran ó hindi si Fray Dámaso. Nagcasiya na lamang ang dominico sa pagtalicód sa canilang lahat halos.

--¿Inaacalà bagá ninyó ...?--ang sa cawacasa'y nagawang tanóng n~g boong catimpian n~g binátà, na tinítitigan n~g boong pagtatacá ang fraile.

--¿Na cung inaacalà co? ¡Sinasampalatayanan cong gaya n~g pagsampalataya sa Evangelio[56]! ¡Napaca "indolente"[57] ang "indio"!

--¡Ah! ipatawad po ninyong salabatin co ang inyong pananalitâ--anang binatà, na idinahan ang voces at inilapít n~g cauntî ang canyang upuan; sinabi po ninyo ang isang salitâ na totoong nacaakit sa aking magdilidili. ¡Tunay n~ga cayang catutubò n~g m~ga dalisay na tagarito ang pagca "indolente," ó nangyayari ang sinasabi n~g isang maglalacbáy na taga ibang lupain, na tinátacpan natin n~g pagca indolenteng ito ang ating sariling pagca indolente, ang pagcáhuli natin sa pagsulong sa m~ga carunun~gan at ang ating paraan n~g pamamahala sa lupaíng nasasacupan? Ang sinabi niya'y ucol sa m~ga ibang lupaíng sacóp, na ang m~ga nananahan doo'y pawang sa lahì ring iyan!...

--¡Ohó! ¡M~ga cainguitan! ¡Itanong pô ninyo cay guinoong Laruja na nacakikílala rin sa lupaíng itó; itanong ninyo sa canya cung may m~ga catulad ang camangman~gan at ang pagca "indolente" n~g indio!

--Tunay n~ga--ang sagót namán n~g bulilít na lalaking siyang binangguit--¡hindî po cayó macacakita sa alin mang panig n~g daigdíg n~g híhiguit pa sa pagca indolente n~g indio, sa alin mang panig n~g daigdíg!

--¡Ni iba pang lalong napacasama n~g asal na pinagcaratihan, ni iba pang lalong hindî marunong cumilala n~g utang na loob!

--¡At n~g ibang lalong masamâ ang túrò!

Nagpasimulâ ang binatang mapulá ang buhóc n~g pagpapalin~gaplin~gap sa magcabicabilà n~g boong pag-aalap-ap.

--M~ga guinoo--ang sinabing marahan--tila mandin tayo'y na sa bahay n~g isang "indio". Ang m~ga guinoong dalagang iyan....

--¡Bah! huwag cayóng napaca magugunigunihin! Hindî ipinalalagay ni Santiagong siya'y "indio," bucód sa roo'y hindî siya naháharap, at.... ¡cahi't náhaharap man siya! Iya'y m~ga cahalin~gán n~g m~ga bágong dating. Hayaan ninyong macaraan ang ilang bowan; magbabago cayóng isipán pagca cayo'y nacapagmalimít sa maraming m~ga fiesta at "bailujan"[58], nacatulog sa m~ga catre at nacacain n~g maraming "tinola".

--Tinatawag po ba ninyong tinola ang bun~gang cahoy na cahawig n~g "loto"[59] na ... ganyan ... nacapagmamalimutin sa m~ga tao?

--¡Ano bang loto ni loteria!--ang sagot ni párì Dámasong nagtátawa;--nagsasalitâ cayó n~g m~ga cahalin~gán. Ang tinola ay ang pinaghalong inahíng manoc at sacá úpo. ¿Buhat pa cailán dumating cayó?

--Apat na araw--ang sagot n~g binatang ga namumuhî na.

--¿Naparito ba cayong may catungculan?

--Hindi pô; naparito acó sa aking sariling gugol upang mapagkilala co ang lupaíng itó.

--¡Aba, napacatan~gì namang ibon!--ang saysay ni Fr. Dámaso, na siya'y minamasdan n~g boong pagtatacá--¡Pumarito sa sariling gugol at sa m~ga cahalin~gán lamang! ¡Cacaibá namáng totoo! ¡Ganyang caraming m~ga libro ... sucat na ang magcaroon n~g dalawang dáling noo[60].... Sa ganya'y maraming sumulat n~g m~ga dakílang libro! ¡Sucat na ang magcaroon n~g dalawang daling noo....

--Sinasabi n~g "cagalanggalang po ninyo"[61] ("Vuestra reverencia"), párì Dámaso--ang biglang isinalabat n~g dominico na pinutol ang salitaan--na cayo'y nanaháng dalawampong taón sa bayang San Diego at cayo umalis doon.... ¿hindî pô ba kinalúlugdan n~g inyong cagalan~gan ang bayang iyon?

Biglang nawalâ ang catowaan ni Fr. Dámaso at tumiguil n~g pagtatawá sa tanóng na itong ang anyo'y totoong parang walang anó man at hindî sinásadyâ.

Nagpatuloy n~g pananalitâ ang dominico n~g anaki'y lalong nagwáwalang bahálà:

--Marahil n~ga'y nacapagpipighati ang iwan ang isáng bayang kinátahanang dalawampong taón at napagkikilalang tulad sa hábitong suot. Sa ganáng akin lamang naman, dinaramdam cong iwan ang Camilíng, gayóng iilang buwan acóng nátira roon ... n~guni't yaó'y guinawâ n~g m~ga púnò sa icagagaling n~g Capisanan ... at sa icágagaling co namán.

Noon lamang n~g gabíng iyón, tila totoong natilihan si Fr. Dámaso. Di caguinsaguinsa'y pinacabigyanbigyan n~g suntóc ang palun~gán n~g camáy n~g canyáng sillón, humin~ga n~g malacás at nagsalitâ:

--¡O may Religión ó wala! sa macatuid baga'y ¡ó ang m~ga cura'y may calayâan ó walâ! ¡Napapahamac ang lupang itó, na sa capahamacán!

At sácâ mulíng sumuntóc.

--¡Hindi!--ang sagót na paan~gil at galit, at saca biglang nagpatinghigâ n~g boong lacás sa hiligán n~g sillón.

Sa pagcámanghâ n~g nan~gasasalas ay nan~gagtin~ginan sa pulutóng na iyón: itinungháy n~g dominico ang canyáng ulo upang tingnán niya si pári Dámaso sa ilalim n~g canyáng salamín sa mata. Tumiguil na sandali ang dalawáng extranjerong nan~gagpapasial, nan~gagtin~ginan, ipinakitang saglít ang caniláng m~ga pan~gil; at pagdaca'y ipinagpatuloy uli ang caniláng pagpaparoo't parito.

--¡Masamâ ang loob dahiláng hindî ninyó binigyán n~g Reverencia (Cagalang-galang)!--ang ibinulóng sa tain~ga n~g binatang mapulá ang buhóc ni guinoong Laruja.

--¿Anó pô bâ, ang ibig sabihin n~g "cagalanggalang" ninyó (Vuestra Reverencia)? ¿anó ang sa inyo'y nangyayari?--ang m~ga tanóng n~g dominico at n~g teniente, na iba't ibá ang taas n~g voces.

--¡Cayâ dumaráting dito ang lubháng maraming m~ga sacunâ! ¡Tinatangkílik n~g m~ga pinúnò ang m~ga "hereje"[62] laban sa m~ga "ministro" n~g Dios[63]! ang ipinagpatuloy n~g franciscano na ipinagtutumâas ang canyáng malulusog ó na m~ga panuntóc.

--¿Anó pô ba ang ibig ninyóng sabihin?--ang mulíng itinanóng n~g abot n~g kilay na teniente na anyóng titindig.

--¿Na cung anó ang íbig cong sabíhin?--ang inulit ni Fr. Dámaso, na lalong inilacás ang voces at humaráp sa teniente.--¡Sinasabi co ang ibig cong sabihin! Acó, ang ibig cong sabihi'y pagca itinatapon n~g cura sa canyáng libin~gan ang bangcáy n~g isáng "hereje," sino man, cahi ma't ang hárì ay waláng catuwirang makialám, at lalò n~g waláng catuwirang macapagparusa.