Nan~gun~guna sa paglacad ang m~ga fraile na may m~ga hawac na Santo Cristo sa caniláng m~ga camáy. Nang maalaman ni Bustamante ang gayóng panghihimagsic, ipinag-utos sa canyáng m~ga guardiang barilín ang m~ga nanghihimagsic na iyón; datapuwa't hindî sumunód sa canyáng utos ang m~ga sundalo, at n~g dumating ang m~ga nanghihimagsic sa tapát n~g palacio, isinucô nilá ang caniláng m~ga sandata sa haráp n~g pagca damít sacerdote n~g m~ga fraileng nán~gagtaás ang m~ga camay na may hawac na m~ga Santo Cristo at m~ga larawan n~g Santo. Pinabayaan din n~g m~ga sundalong alabardero na silá'y macapasoc. Lumabás ang cahabaghabag na si Bustamanteng may sandatang hawac, at sinalubong sa hagdanan ang m~ga nanghihimagsic. Hinandulong siyá n~g m~ga nanghihimagsic at sa sandali lamang ay may sugat na siyáng malubha. Dumaló sa canyá ang canyang anác na lalaki, at itó nama'y agád binaril at nasugatan n~g bála. Kinaladcad n~g m~ga nanghihimagsic ang canilang Gobernador na naghihin~galó hanggang sa isáng bilangguang na sa silong n~g Audiencia, at doon siya namatáy n~g magtatakip silim n~g hapon n~g araw ring iyong ica 11 n~g Octubre n~g 1719; ipinagcaít sa canyá ang lahát n~g saclolo at hindi siyá binigyán n~g isá mang lamang vasong tubig. Kinaladcád namán ang anác n~g Gobernador General sa talian n~g m~ga cabayo sa palacio, at doon siya namatáy n~g hapon ding iyón, at ipinagcáit sa canyáng macaguibíc ang sino man manggagamot at itinangguí sa canyá ang lahat n~g bagay na saclolo. Ang m~ga nanghimagsic na pinamunuan n~g m~ga fraileng pumupuri at nagpapaunlac sa m~ga pumatáy sa Gobernador at sa canyáng anác ay nan~gagsitun~go sa cúta n~g Santiago at doo'y kinuha at pinawalán ang arzobispo, na pagdaca'y siyá, ang nagatang sa sarili n~g catungculang pagca Gobernador General sa Sangcapuluang itó. Hindi nagcamít parusa cailan man ang m~ga cakilakilabot na katampalasanang ito.--Sinipi sa "Censo de las Islas Filipinas" n~g 1903, tomo I, página 342--P.H.P.

[70] "Su Majestad el Rey" sa wicang castilà. Masasabing: "ang Macapangyarihan Harì."

[71] Sa matuwid bagá'y hindi niya pinahahalagahan ang taong sinasabi n~g Teniente.

[72] Aayaw kilalanin n~g m~ga fraile si Alfonso XII, na n~g panahong sinasabi sa "Noli me tangere" ay síyang hari sa España, cung di si Cárlos de Borbón na naghahan~gad na siyáng maghari sa m~ga castilà. Dahil sa paghahan~gád na ito'y silasila ring m~ga castilà ang nan~gagsipagbaca, at maraming dugò ang nabuhos. Ang unang nacabaca n~g reina Cristina at n~g reina Isabel II ay si Cárlos de Borbón, capatid ni Fernando VII; isinalin niyá pagcatapos ang tinatawag niyang catuwiran sa Corona n~g España sa canyáng anác na si Cárlos Luis, na nagpamagat n~g Conde de Montemolin at haring Cárlos VI, na siyang muling nagsabog n~g caligaligan, dugô at m~ga capahamacan sa España, sa isang manin~gas na pagbabaca at n~g siyá'y matalo'y omowi sa Trieste at doon namatáy n~g 1861.

Humalili cay Cárlos Luis ang canyang capatíd na si Juan Borbón, n~guni't walà itóng nagawáng may cahulugán.

Ang anác ni Juang nagn~gan~galang Cárlos at nagpamagát n~g haring Cárlos VII ang siyang nagpatuloy n~g pagbabaca, sa udyóc at tulong n~g m~ga fraile at macafraile. Pinasimulán ang icatlong pagbabaca sa Españang m~ga capowa castila rin ang nagpatayan, n~g 8 n~g Abril n~g 1872. N~g panahong iyó'y maraming totoong salapi ang ipinadaláng galing sa Filipinas na handóg n~g m~ga fraile cay Cárlos, datapuwa't wala ring kinahinatnan ang pagpupumilit nitó, n~g m~ga fraile at n~g m~ga macafraile, cung dî magsabog n~g dugong calahi at papaghirapin n~g di ano lamang ang España. Natapos ang pagbabaca roon n~g 27 n~g Febrero n~g 1876, araw na ibinalic ni Cárlos sa Francia. Ang pinacamabuti sa m~ga general nito'y si Zumalacárregui at si Cabrera. Cumilala at sumuco si Cabrera sa haring Alfonso XII n~g taóng 1895. Cung pamagatán si Don Cárlos n~g m~ga castila'y "Cárlos Chapa."

Marahil ibiguin n~g m~ga bumabasang maalaman cung ano ang dahil n~g pagbabacang ito, na nagpasimula n~g 2 n~g Octubre n~g 1833 at nagtapós n~g 27 n~g Febrero 1876, at aking sasabihin sa maicling salitâ:

Bago pa lamang nacacawalâ ang España sa capangyarihan n~g m~ga francés, ay nagpasimulâ na ang panúcalà n~g m~ga fraile at n~g m~ga macafraileng papanumbalikin doon ang pagtatatag ulî n~g "absolutismo"; sa macatuwid baga'y ang capangyarihan n~g haring magawâ ang bawa't maibigan, at manumbalic ang "tribunal n~g Inquisición." Hindi pumayag si Fernando VII sa gayóng balac, at sa gayó'y kinagalitan siya at minagaling n~g m~ga fraileng sa canyá'y mahalili ang canyáng capatid na si Cárlos María Isidro de Borbón, na nan~gacong cung siya ang maguiguing harì ay gagawin niya bawa't ibiguin n~g Papa at n~g m~ga fraile. Bago namatáy si Fernando ay gumawa itó n~g testamentong isinasalin niya ang canyáng corona sa canyáng anác na babaeng si Isabel. N~g mamatay si Fernando VII n~g 29 Septiembre n~g 1833 ay nahahanda na upang bacahin ang hahaliling reinang si Isabel II, na sa pagca't musmós pa noon, ang namamahalà n~g caharia'y si reina Cristinang nabao cay Fernando VII, at n~g icatlóng araw n~g pagcamatay nitó'y pinasimulaan na n~gâ ang pangguguló sa España ni Cárlos, na tinutulun~gan n~g papa, n~g m~ga fraile, n~g lahat n~g m~ga párì at n~g canilang m~ga cacampi.

N~gayóng m~ga panahóng itó'y mahinang mahinà na ang carlismo sa España, at sila sila'y nagsisirâan. May nan~gagpapan~galang "integrista" na siyang nan~gag-iibig n~g "absolutismo" at n~g "inquisición," at "mestizo" ang itinatawag nila sa sumasang ayon sa calagayang dalá n~g panahón at ayaw sa "inquisición" at sa "absolutismo." N~gayo'y macucurò na cung bakit aayaw kilalanin n~g m~ga fraileng hárì nila si Alfonso XII at si Alfonso XIII man; n~guni't ang sawicain n~ga n~g m~ga castilà'y "á la fuerza ahorcan" (sapilitan ang pagbitay). Aayaw man sila'y sapilitang nilálagoc ang apdóng handóg n~g catuwiran at n~g catotohanan.--P.H.P.

[73] Sa canyáng calagayan ó sa canyáng sarili.

[74] Sa galit ay nabiglaanan.

[75] Sa bibíg lamang.

[76] Mulâ sa púsò, taimtim sa púsò.

[77] Na sa pag-iisip.

[78] Sa isáng pagcacataón, hindi sinasadya.

[79] Sa pagcacataon at sa ganáng akin.

[80] Ang páring catulong n~g cura. N~g panahón n~g Gobierno n~g España, halos ang lahat n~g paring filipino ay pawang coadjutor lamang ang naaabot na catungculan; bihirang bihirà ang naguiguing cura, at ang caraniwa'y m~ga fraile ang naguiguiug cura; caya't ang lahát n~g m~ga cura halos sa sangcapuluang ito'y pawang m~ga fraile. Aliping mistulà ang pagpapalagay n~g m~ga curang fraile sa m~ga coadjutor na filipino. Salamat sa revolucióng guinawa n~g Katipunang tatag ni Gat Andrés Bonifacio'y nahan~gò ang m~ga paring filipino sa gayóng caalipinan; datapuwa't hanggá n~gayò'y walá isá man lamang sa m~ga paring filipinong nacacagunitang magpaunlác cay Gat Andrés Bonifacio. Cahimanawarì sila'y man~gáguising sa panahóng hináharap. ¡Wala n~g carimarimarim na púsong gaya n~g di marunong tumumbás sa utang na loob!!!]

[81] Ang sumusulat n~g m~ga inilalathala sa m~ga periódico ó pámahayagan.

[82] Ang may almacen ó tindahan. Tinatawag ding almacenero ang catìwala sa pag-iin~gat n~g m~ga camalig na ligpitan n~g anó man, ó ang isáng catungculan sa Gobiernong ganito ang pan~galan.--P.H.P.

[83] Caugalìan n~g m~ga taong may pinag-aralang cung pumapanhic silá sa bahay n~g isang hindî cakilala, ang siya'y iharap sa maybahay n~g isáng cakilala nitó at sabihing:--"May capurihan po acóng ipakikilala sa inyó si guinoong Fulano."--P.H.P.

[84] Ang monje Bernardo Schwart, alemân, na siyáng nacátuclas n~g pag-gawâ n~g pólvora n~g siglo XIV.--P.H.P.

=II.=

=CRISOSTOMO IBARRA=

Hindî magagandá at mabubuting bíhis na m~ga dalaga upang pansinín n~g lahat, sampô ni Fr. Sibyla; hindî ang cárilagdilagang Capitan General na casama ang canyang m~ga ayudante upang maalís sa pagcatigagal ang teniente at sumalubong n~g ilang hacbáng, at si Fr.