¿Ang m~ga fraile cayâ ang nagtatag n~g salitang iyan?
[50] Sinabi co na sa sa isá sa m~ga paunawà sa Buhay ni Rizal na sa pasimulâ n~g librong itó na ang sabing "indio" ay wicang castilà na ang cahuluga'y túbò ó inianác sa India. Ang Filipinas ay m~ga pulóng na sa panig n~g libutáng tinatawag na "Oceanía," at ang India ay na sa panig n~g libutáng tinatawag na Asia. Ang tawag na indio n~g m~ga fraile, n~g m~ga castilà at n~g m~ga lahing putî sa m~ga túbò sa Filipinas ay isáng pag-alimura at pagcutyâ sa m~ga lahing caymanggui. Caacbáy n~g sabing indio ang cahulugang tamád, waláng damdamin, han~gal, dugong mabábà, cutad na ísip, ugaling pan~git, waláng cahihiyan at iba pang lalong m~ga casamasamâan. Sacsí nitóng m~ga sabi co ang m~ga sinulat n~g m~ga fraile't castilà tungcol sa Filipinas. N~guni't ang lalong nacatátawa'y ang m~ga táong túbò rin dito sa Filipinas, na dahil sa maputî ang caniláng balát ay tumatawag sa capowâ tagritong caymangui n~g indio ... ¡M~ga dukhang damdamin!--P.H.P.
[51] Ito'y lubós na catotohanan. Ang sumusulat nito'y nacapan~gumpisal n~g panahóng cabataan pa sa isáng fraileng palibhasa'y bahagyâ n~g macawatas n~g wicang tagalog, ipinipilit na ang casalanang ikinucumpisal ay sabihin n~g nan~gun~gumpisal sa m~ga salitáng cahalayhalay at magagaang na sa Diccionariong wicang castilà at wicang tagalog na sinulat n~g caniláng capowà fraile.--P.H.P.
[52] Ang m~ga sinisin~gíl sa binyag, casal, tawag, libíng, campana, ciriales at iba pa.
[53] Ang caraniwang tinatawag na "manong" ó "manang", galing sa salitang "hermano", "hermana". May dalawang bagay na manong, ang manong na franciscano ó franciscana at manong na dominico ó dominicana.
[54] Dating estancado ang tabaco dito sa Filipinas. Ang Gobierno n~g España ay siyang namímilì n~g tabacong dahon sa m~ga magsasacá sa m~ga bayang may pahintulot na magtaním n~g tabaco, ang Gobierno ang nagpapadalá dito sa Maynílà siya ang nagpapagawa n~g tabaco at cigarrillo at siya rin ang nagbibilí. Sino ma'y walang nacabibilí n~g tabacong dahon cung dî ang Gobierno at sino ma'y walang nacapagbibilí n~g tabacong dahon, n~g tabacong yarì at n~g cigarrillo cung dî ang Gobierno. Sa m~ga bayang may pahintulot na magtaním n~g tabaco'y may m~ga cagawad ang Gobierno, na siyang nan~gan~gatawa't n~g gumalíng ang taním na tabaco at mag-ani n~g marami. Ang Gobiernong mamimili ay siya ring nagháhalaga n~g tabacong dahong canyang biníbili. N~g taóng 1883 ay inalís dito sa Filipinas n~g Gobierno n~g España ang estanco n~g tabaco at binigyang calayaan ang lahat na macapagtaním at macapagbilí n~g tabacong dahon, tabacong yarì ó cigarrillo, at ang inihalili sa estanco ay iba't ibang bagay na pagpapabowis sa m~ga tagarito.--P.H.P.
[55] Alac na Jerez, na nanggagaling sa uvas na inaani sa bayang Jerez de la Frontera, na sacop n~g lalawigang Cadiz, caharian n~g España. Ang bayang iyo'y mayaman, nasa tabí n~g ilog Guadalete at may 62,009 ang nananahang tao.--P.H.P.
[56] Tinatawag na Evangelio ang m~ga sinulat ni San Mateo, San Lucas, San Marcos at San Juan. Ang m~ga sinulat n~g apat na Santong itó, na dî iba cung dî ang casaysayan n~g m~ga ipinan~garal at buhay ni Jesucristo, ang siyang pinagpapatuunan n~g m~ga utos at palatuntunan n~g Iglesia Católica Apostólica Romana, n~g Iglesia Cismática sa Rusia at sa Grecia, n~g Iglesia Protestante at n~g Iglesia Filipina Independiente.--P.H.P.
[57] Ang cahulugan n~g sabing indolente ay ang táong hindî napupucaw ang loob sa m~ga bagay na sa iba'y nacasakit. Ang walang malasakit sa ano man, ang mabagal, ang tamád.
[58] "Bailujan," galing sa sabing "baile," sayáw. Ang baile ay wicang castilà. Ang "bailuhan" ay hindî guinagamit n~g m~ga fraile at n~g m~ga castilà dito sa Filipinas cung dî ang sabing "baile" pagca ang sayawan ay sa bahay n~g capowà castílà, at "bailujan" pagca ang sayawan ay sa bahay n~g m~ga filipino. Sa maiclíng sabi, ang cahulugan n~g "bailujan" ay sayáw na carapatdapat cutyaín, catawátawá, waláng cahusayan.
[59] Ang "loto" ay isáng cahoy sa Africa. Anang m~ga poeta, ang taga ibang lupaíng macacain daw n~g bun~ga n~g "loto" ay nacalilimot sa canyang kinamulatang bayan.
[60] Sa macatuwid baga'y sucat na ang magcaroon n~g caunting pag-iisip.
[61] Caugalian sa m~ga castilang hindî "usted" (cayó pô) na guinagamit sa caraniwan, cung dî "Vuestra Reverencia" ó "Vuesarevencia" (sa cagalanggalang pô ninyo) ang siyang ibinibigay na galang sa m~ga fraile sa pakikipag-usap sa canila.
[62] Ipinan~gun~gusap n~g "ereje," sa pagca't sa wicang castila'y hindi isinasama ang h sa pagbasa. Tinatawag na "hereje" ang cristianong sumásalansang ó hindi sumasampalataya sa m~ga pinasasampalatayanan n~g Iglesia Católica Apostólica Romana.--P.H.P.
[63] Ang kinácatawan n~g Dios.
[64] Maliit na general; sa macatuwíd baga'y waláng halagang general.
[65] Maliit na general Capansanan.
[66] "Su excelencia" sa wicang castila, paunlác na tawag sa Capitan General at sa iba pa n~g m~ga castila.--P.H.P.
[67] Pan~galawa n~g Real Patrono. Tinatawag na Real Patrono n~g Iglesia Católica Romana ang Harî sa España. Haring tagatangkilic ang cahulugan sa wicang tagalog--P.H.P.
[68] Hindî acó nasísilong cahi't siya'y pan~galawá man n~g harì--ang ibig sabihin ni Pári Dámaso.--P.H.P.
[69] Mulà sa taóng 1717 hangang 1719 ay naguíng Gobernador General sa Filipinas si Don Fernando Bustamante. Sa pagca't canyáng napagunáwà ang malaking m~ga pagnanacaw sa pamamanihalà n~g salapî n~g Harì, minagálíng niya ang magtatag n~g m~ga bágong utos sa pamamahalâ n~g salapî n~g calahatán. Pinasimulán niyáng kinulóng sa bilangguan ang m~ga taong pinaghihinalàan; sila'y canyáng pinag-usig sa haráp n~g m~ga tribunal. Galít na galít cay Bustamante ang m~ga may matataas na catungculang sa ganito'y nan~gagsipan~ganib na mapahamac, at sa gayóng cahigpita'y hindî nan~gabihasa cailán man. Sa pagcá't nabalitàan ni Bustamante ang panucalang manghimagsic laban sa canyáng capangyariha't pamamahálà, at tinatangkílic n~g m~ga fraile sa caniláng m~ga simbahan ang lalong m~ga kilaláng mahihigpít niyáng m~ga caaway, naglathalà siyá n~g pagtawag sa lahát n~g m~ga lalaking may mahiguít na labíng apat na taón upang man~gagsipanig sa hucbòng magsasanggaláng sa capangyarihan n~g Harì. Dinin~gíg n~g bayan ang pag tawag na iyón, at nátatag ang isang hucbó n~g m~ga cusang pumasoc sa pagsusundalo. Nan~gagsifirma ang Arzobispo at iláng m~ga abogado sa isáng casulatang doo'y itinututol na waláng capangyarihan at waláng catowiran daw si Bustamante na ipag-utos ang pagpapabilangô sa notariong si Osejo, na tumacbò at nagtagò sa simbahang Catedral: dahil dito'y ipinag-utos n~g Gobernador General na dacpín at ibilanggô ang arzobispo at gayon din ang m~ga abogadong cainalám sa gayong panucalang catacsilan.--Pinanggalin~gan ang m~ga pagpapabilanggong itó n~g iba't ibang m~ga caguluhan, at sa tacot n~g m~ga fraileng bacâ síla namán ang pag-usiguin, minagalíng nilá ang silá ang mamatnugot sa m~ga lumálabag sa capangyarihan n~g Gobernador.--Lumabás sa m~ga simbahan ang m~ga nagtatagò roon, nagdalá n~g m~ga sandata, at n~g macasanib na sa canilá ang iláng m~ga tagarito, lumacad silá't ang tinun~go'y ang palacio n~g Gobernador, na n~g panahóng iyó'y na sa taguilirang ilaya n~g tinatawag n~gayóng Plaza ni William McKinley.
1 comment