¡At n~gayo'y ang isáng "generalito"[64], ang isáng generalito Calamidad[65]...!
--¡Párì, ang canyáng Carilagán[66] (ang marilág bagáng Gobernador General) ay Vice-Real Patrono[67],--ang sigaw n~g teniente na nagtindíg.
--¡Anó bang Carilagán ó Vice-Real Patrono[68] man!--ang sagót n~g franciscanong nagtindíg din.--Cung nangyari itó sa ibáng panaho'y kinaladcád sana siyá n~g pababâ sa hagdanan, tulad n~g minsa'y guinawâ n~g m~ga Capisanan n~g m~ga fraile sa pusóng na Gobernador Bustamante[69]. ¡Ang m~ga panahóng iyón ang tunay na panahón n~g pananampalataya!
--Ipinauunawà co sa inyó na di co maitutulot ... Ang "Canyang Carilagán," (ó ang marilág na Gobernador General) ang pinacacatawán n~g Canyáng Macapangyarihan, ang Hárì[70].
--¡Anó bang hárì ó cung Roque[71] man! Sa ganáng amin ay waláng ibáng hárì cung dî ang tunay[72]....
--¡Tiguil!--ang sigáw n~g tenienteng nagbabalà at wari'y mandin ay nag-uutos sa canyáng m~ga sundalo;--¡ó inyóng pagsisisihan ang lahát ninyóng sinabi ó búcas din ay magbíbigay sabi acó sa Canyang Carilagán!...
--¡Lacad na cayó n~gayón din, lacad na cayó!--ang sagót n~g boong paglibác ni Fr. Dámaso, na lumapít sa tenienteng nacasuntóc ang camáy.--¿Acalà ba ninyo't may suot acóng hábito'y walâ acóng ...? ¡Lacad na cayo't ipahihíram co pa sa inyó ang aking coche!
Naoowî ang salitaan sa catawatawang anyô. Ang cagalin~gang palad ay nakialam ang dominico.--¡M~ga guinoo!--ang sabi niyáng taglay ang anyóng may capangyarihan at iyáng voces na nagdaraan sa ilóng na totoong nababagay sa m~ga fraile;--huwag sana ninyóng papagligáwligawín ang m~ga bagay, at howag namán cayóng humánap n~g m~ga paglapastan~gan sa waláng makikita cayó. Dapat nating ibucód sa m~ga pananalitâ ni Fr. Dámaso ang m~ga pananalitâ n~g tao sa m~ga pananalitâ n~g sacerdote. Ang m~ga pananalitâ n~g sacerdote, sa canyáng pagcasacerdote, "per se"[73], ay hindî macasasakít n~g loob canino man, sa pagca't mulâ sa lubós n~g catotohanan. Sa m~ga pananalitâ n~g tao, ay dapat gawín ang isá pa manding pagbabahagui: ang m~ga sinasabing "ab irato"[74], ang m~ga sinabing "exore"[75], datapuwa't hindî "in corde"[76], at ang sinasabing "in corde". Ang m~ga sinasabing "in corde" lamang ang macasasakít n~g loob: sacali't dating tinatagláy n~g "in meate"[77] sa isáng cadahilanan, ó cung nasabi lamang "per accidens"[78], sa pagcacáinitan n~g salitàan, cung mayroong....
--¡N~guni't aco'y "por accidens" at "por mi"[79] ay nalalaman co ang m~ga cadahilanan, pári Sibyla!--ang isinalabat n~g militar, na nakikita niyáng siya'y nabibilot n~g gayóng caraming m~ga pag tatan~gitan~gi, at nan~gan~ganib siyáng cung mapapatuloy ay siyá pa ang lalábas na may casalanan.--Nalalaman co ang m~ga cadahilanan at papagtatan~giin n~g "cagalan~gan pô ninyo" (papagtatan~gitan~giin pô ninyo). Sa panahóng wala si pári Dámaso sa San Diego ay inilibíng n~g coadjutor[80] ang bangcáy n~g isáng táong totoong carapatdapat ...; opò, totoong carapatdapat; siya'y macáilan cong nácapanayam, at tumúloy acó sa canyáng bahay. Na siya'y hindi nan~gumpisál cailan man, at iyán bagá'y ¿anó? Acó ma'y hindi rin nan~gun~gumpisál, n~guni't sabihing nagpacamatáy, iya'y isáng casinun~galin~gan, isáng paratang. Isáng táong gaya niyáng may isáng anác na lalaking kinabubuhusan n~g boong pag-irog at m~ga pag-asa, isáng táong may pananampalataya sa Dios, na nacacaalám n~g canyang m~ga catungculang dapat ganapín sa pamamayan, isáng táong mapagmahál sa capurihán at hindi sumisinsay sa catuwiran, ang ganyáng tao'y hindî nagpápacamatay. Ito'y sinasabi co, at hindî co sinasabi ang m~ga ibáng aking iniisip, at kilanlíng utang na loob sa akin n~g "cagalan~gan" pô ninyó.
At tinalicdán ang franciscano at nagpatuloy n~g pananalitâ:
--N~g magcágayo'y n~g magbalic ang curang itó sa bayan, pagcatapos na maalipustá ang coadjutor, ang guinawa'y ipinahucay ang bangcáy na iyón, ipinadala sa labás n~g libin~gan, upang ibaón hindi co maalaman cung saan. Sa caruwagan nang bayang San Diego'y hindi tumutol; tunay n~ga't iilan lamang ang nacaalam, walang camag-anac ang nasirà, at na sa Europa ang canyang bugtóng na anác; n~guni't nabalitaan n~g Gobernador General, at palibhasa'y táong may dalisay na púsò, ay hinin~gi ang caparusahán ... at inilipat si pári Dámaso sa lalong magaling na bayan. Itó n~gâ lamang ang nangyari. N~gayo'y gawín n~g "inyó pong cagalan~gán" ang pagtatan~gitan~gi.
At pagca sabi nitó'y lumayò sa pulutóng na iyón.
--Dináramdam cong hindî co sinásadya'y nábanguit co ang isáng bagay na totoong mapan~ganib ani párì Sibylang may pighatî.--Datapuwa't cung sa cawacasa'y nakinabang naman cayó sa pagpapalít-bayan....
--¡Anó bang pakikinaban~gin! ¿At ang nawáwalâ sa m~ga paglipat ... at ang m~ga papel ... at ang m~ga ... at ang lahát n~g m~ga náliligwín?--ang isinalabat na halos nauutál ni Fr. Dámaso na hindi macapagpiguil n~g galit.
Untiunting nanag-úli ang capisanang iyón sa dating catahimican.
Nan~gagsidatíng ang ibá pang m~ga tao, caacbáy ang isáng matandáng castilàng piláy, matamís at mabaít ang pagmumukhâ, nacaacay sa bísig n~g isáng matandáng babaeng filipinang punô n~g culót ang buhóc, may m~ga pintá ang mukhâ at nacasuot europea.
Sila'y sinalubong n~g bating catoto n~g naroroong pulutóng, at nan~gagsiupô sa tabí n~g ating m~ga cakilala ang Doctor De Espadaña at ang guinoong asawa niyang "doctora" na si Doña Victorina. Doo'y napapanood ang iláng m~ga "periodista"[81] at m~ga "almacenero"[82] na nan~gagpaparoo't parito at waláng maalamang gawín.
--N~guni't ¿masasabi pô ba ninyo sa akin, guinoong Laruja, cung anóng tao cayâ ang may arì n~g bahay?--ang tanóng n~g binatang mapulá ang buhóc.--Aco'y hindî pa naipapakilala sa canyá[83].
--Ang sabihana'y umalís daw, acó ma'y hindi co pa siyá nakikita.
--¡Dito'y hindî cailan~ganang m~ga pagpapakilala!--ang isinabád ni Fr. Dámaso,--Si Santiago'y isáng táong mabaít.
--Isang táong hindi nacátuclas n~g pólvorâ--ang idinugtong ni Laruja.
--¡Cayó pô namán, guinoong Laruja!--ang sinabi sa malambing na pagsisi ni Doña Victorinang nag-aabanico.--¿Paano pô bang matutuclasan pa n~g abang iyón ang pólvora, ay alinsunod sa sabi'y natuclasan na ito n~g m~ga insíc na malaong panahón na?
[Larawan:.....Ang Doctor De Espadaña at ang canyang guinoong asawa ang "Doctora" Doña Victorina ...--Imp. de M Fernández, Paz 447, Sta. Cruz.]
--¿Nang m~ga insíc? ¿Nasisirà bâ ang isip ninyo?--ang sabi ni Fr. Dámaso,--¡Tumahán n~gâ cayó! ¡Ang nacátuclas n~g paggawâ n~g pólvora'y isang franciscano, isá sa aming samahan, Fr. Hindî co maalaman Savalls, n~g siglong ... ¡icapitó!
--¡Isang franciscano! Marahil naguíng misionero sa China, ang párì Savalls na iyan--ang itinutol n~g guinoong babae na hindî ipinatatalo n~g gayongayon lamang ang canyang m~ga isipan.
--Marahil Schwartz[84] ang ibig pô ninyong sabihin, guinoong babae--ang itinugón namán ni Fr. Sibyla, na hindî man lamang siya tinítingnan.
--Hindî co maalaman; sinabi ni Fr.
1 comment