Dámasong Savalls: walâ acóng guinawâ cung dî inulit co lamang ang canyang sinalitâ.

--¡Magalíng! Savalls ó Chevás, ¿eh anó n~gayon? ¡Hindî dahil sa isáng letra ay siya'y maguiguing insíc!--ang mulíng sinaysay na nayáyamot ang franciscano.

--At n~g icalabing-apat na siglo at hindî n~g icapitó--ang idinugtóng n~g dominico, na ang anyo'y parang sinásala ang camalìan at n~g pasakitan ang capalaluan niyong isáng fraile.

--¡Mabuti, datapuwa't hindî sa paglalabis cumulang n~g isáng siglo'y siya'y maguiguing dominico na!

--¡Abá, howag pô sanang magalit ang cagalan~gán pô ninyo!--ani párì Sibylang n~gumín~gitî.--Lalong magalíng cung siya ang nacátuclas n~g paggawâ n~g pólvora, sa pagca't sa gayo'y naibsan na niya sa pagcacapagod sa gayóng bagay ang canyang m~ga capatíd.

--¿At sinasabi pô ninyo, párì Sibyla, na nangyari ang bagay na iyón n~g icalabíng apat na siglo?--ang tanóng na malakí ang nais na macatalós ni Doña Victorina--¿n~g hindî pa ó n~g macapagcatawáng tao na si Cristo?

Pinalad ang tinátanong na pumasoc sa salas ang dalawang guinoo.

TALABABA:

[5] Colado, ang taong hindi inaanyayaha'y cusang dumádalo sa isang piguíng. Maraming di ano lamang sa mañ~ga bayanbayan, at lalonglalo na dito sa Maynilà, ang mañ~ga taong di nating calahì, na hindî man inaanyayahan ay nagdudumalíng dumaló sa man~ga piguíng nang man~ga filipino, na canilang tinatawag na indio, at ang man~ga taong yaong di natin calahì ang siyang tinatawag ni Rizal na man~ga colado sa piguíng.--P.H.P.

[6] Ang catutubong mahusay at dî nagbabagong calacarán n~g m~ga linikhâ n~g Dios--P.H.P.

[7] Nang panahóng sulatin ni Rizal ang Noli me tangere ay hindi pa umaagos dito sa Maynila ang tubig na inumíng nanggagaling sa ilog San Mateo at Marikina. Talastas nang madla, na ang guinugol sa pagpapaagos na ito ay ang ipinamanang salapi, upang iucol sa ganitong bagay, ni D. Francisco Carriedo, castilang naguíng magistrado sa Real Audiencia nang una. ¡Salamat sa isáng castílà, sa isáng hindî nating caláhì ay nagcaroon ang Maynílà n~g tubig na totoong kinacailan~gan sa pamumuhay! Maraming mayayamang filipinong bago mamatay ay nagpapamana n~g maraming salapî at mahahalagáng cayamanan sa m~ga fraile ó sa m~ga monja, datapowa't hindî nan~gababalinong magpamana n~g anó mang iguiguinhawa ó magagamit sa pamumuhay n~g caniláng m~ga cababayan. Walâ rin acóng nalalamang nagawáng handóg sa m~ga filipino ang m~ga fraile na macacatulad n~g pamana n~g dakilang si Carriedo; gayóng dahil sa m~ga filipino cayâ yumaman at naguíng macapangyarihan ang m~ga fraileng iyan.--¡Culang palad na Filipinas!--Nang di pa umaagos ang tubig na inumíng sinabi na ay sa ilog Pasig ó sa man~ga ibáng nacaliliguid sa Maynilà umiiguib nang inumín at ibá pang cagamitan sa bahay, sacali't ang bahay walang algibe ó tipunán n~g tubig sa ulán.--P.H.P.

[8] Ang namamatnugot sa paggawâ n~g anó man edificio. Tinatawag na edificio ang bahay, palacio, simbahan, camalig at iba pa.--P.H.P.

[9] Ang ladrillong parang pinggan ang pagcacayarì.--P.H.P.

[10] Ang "maceta" ay wicang castilà na ang cahuluga'y ang lalagyán n~g lupà na pinagtatamnan n~g m~ga halamang guinágawang pangpamuti, sa macatuwid ay malî ang tawag na "macetas" sa halaman.--P.H.P.

[11] Patun~gán n~g m~ga "maceta" ó pátirican n~g haligue ó ano mang bagay.--P.H.P.

[12] Ang capisanan n~g guinagamit sa pagcaing cuchara, cuchillo, tenedor at iba pa.--P.H.P.

[13] Ang sabing "caida" ay wìcang castilà, na ang cahuluga'y ang pagcahulog, pagcálagpac, pagcárapâ pagcatimbuang, ó ang kinahuhulugan ó ang laláy n~g ano mang bagay; datapuwa't dito sa Filipinas, ayawan cung anong dahil, tinatawag na "caida" n~g m~ga castilà at n~g m~ga lahing castila ang macapanhíc n~g báhay.--P.H.P.

[14] Ang panig n~g bahay na pinaglálagyán n~g mesang cacanán.--P.H.P.

[15] Mulíng pan~gan~ganac. Ang panahong nagpasimulâ nang calaghatian nang Siglo XV, na napucaw sa man~ga taong tubò sa dacong calunuran n~g Sandaigdigan ang masilacbong pagsisiyasat nang m~ga maririkit na guinagáwâ sa una nang m~ga griego at nang m~ga latino--P.H.P.

[16] Bataláng bató, na ang caraniwa'y baldosa ang tungtun~gan.--P.H.P.

[17] Sa convento n~g Antipolo ay may isang cuadrong catulad nitó.--J.R.

[18] Isáng pabilóg na parang culuong na ang caraniwa'y pinagagapan~gan n~g m~ga halaman.--P.H.P.

[19] Ang ilawang san~gasan~ga na ibinibiting may m~ga pamuting m~ga cristal na nagkikislapan.--P.H.P.

[20] Isáng papatun~gang cahoy, na catulad n~g papag na mababà ang anyô.--P.H.P.

[21] Cahoy na caraniwang tawaguin n~g tagalog na "Palo-China." Ang cahoy na ito'y caraniwan sa Europa at América. Sumisibol din sa Benguet, dito sa Filipinas, dahil sa malamíg ang sin~gaw roon.--P.H.P.

[22] Natuclasán ang paggawâ n~g "piano" n~g siglo XIII at siyang naguing cahalili n~g "clavicordio" at n~g "espineta." Alinsunod sa anyô at lakí ay tinatawag na piano de mesa, piano de cola, piano de media cola, piano vertical, piano diagonal at iba pa. Ang piano de cola'y nacahigang parang mesa, na sa isáng dulo'y malapad at sa cabiláng dulo'y makitid at isá sa m~ga lalong mahál ang halagá.--P.H.P.

[23] Tinatawag na larawang "al óleo," (retrato al óleo) ang larawang ipinípinta sa pamamag-itan n~g m~ga culay ó pinturang tinunaw sa lan~gis.--P.H.P.

[24] Sambahan n~g m~ga judío.--P.H.P.

[25] Caraniwang tinatawag na Nuestra Señora ang anó mang larawan ni Guinoong Santa María, na halos may dî mabilang na pamagát: Nuestra Señora del Carmen, cung may m~ga escapulario sa camay; Nuestra Señora del Rosario, cung may tan~gang cuintás; Nuestra Señora de la Correa, cung nacabigkís n~g balát, Nuestra Señora de Turumba, Nuestra Señora de Salambaw at iba pang lubháng napacarami.--P.H.P.

[26] "Hindî carapatdapat" ang cahulugán n~g sabing "indigno," salitang caraniwang sabihin n~g m~ga nacacastiláan.--P.H.P.

[27] Tinatawag na cadete ang nag-aaral sa isáng colegiong doo'y itinutúrò ang m~ga bagaybagay na nauucol maalaman n~g isáng militar.

[28] Taga ibáng lúpà, sa macatuwid ay hindî taga Filipinas ang cahulugán n~g sabing "extranjero." Gayon ma'y dî caraniwang tawaguing "extranjero" ang insíc, ang castílà, ang turco, ang japonés, ang bombay, ang colombo at ibá pa; sila'y tinatawag ditong insíc, castílá, "turkiano," japón, bombay, colombo. Tinatawag lamang "extranjero" ang inglés, alemán, francés, suizo at ibá pa, sa pagca't iniuucol lamang ang sabing "extranjero" sa m~ga man~gan~galacal na may malalaking puhunan.--P.H.P.

[29] Ang bubóng na tablá n~g m~ga sasacyán.

[30] Tinatawag na "paisano" n~g m~ga sundalo ang hindî militar.--P.H.P.

[31] Caraniwang tinatawag na "biscuit" ang biscochong na sa m~ga maliliit na latang nanggagaling sa Inglaterra. Tinatawag dito sa ating "biscocho" ang m~ga malulutóng na tinapay, gaya n~g tinatawag na "biscocho y caña" at "biscocho y dulce," at ang tunay na biscocho'y tinatawag na "sopas" n~g m~ga dî nacaaalám n~g wicang castílà. N~gayo'y gumágawâ na rito sa atin n~g masasaráp na biscochong hindî saból sa m~ga nanggagaling sa Inglaterra, ang La Perla ni G.J.E. Monroy, ang La Fortuna ni G. Claro Ong at ibá pa. Carapatdapat papurihan ang m~ga cababayang itóng naglíligtas sa Filipinas na bomobowís sa m~ga taga ibáng lupaín sa pagbilí n~g m~ga bagay na dito'y nagágawâ.--P.H.P.

[32] Maran~gal na general ni Cárlos V at ni Felipe II. Siya ang nagtagumpáy sa panghihimagsic n~g Paises Bajos at nacalupig sa Fort.--P.H.P.

[33] Ang talaán n~g m~ga oficial at m~ga púnò sa m~ga hucbó.

[34] Ang may catungculang umusig sa masasamang tao at man~gasiwà sa capanatagán n~g m~ga bayanbayan. N~g panahón n~g Gobierno n~g España'y may dalawang bagay na Guardia Civil dito sa Filipinas: "Guardia Civil" ang pan~galan n~g m~ga na sa bayanbayan n~g m~ga lalawigan, at "Guardia Civil Veterana" ang na sa ciudad n~g Maynílà.--Pawang m~ga filipino ang m~ga sundalo n~g Guardia Civil at n~g Guardia Civil Veterana, at m~ga castílà ang m~ga oficial at ang m~ga púnò. Manacánacáng nagcacaroon n~g alferez at tenienteng m~ga filipino. Ang nahalili n~gayon sa Guardia Civil ay ang Policía Insular, na tinatawag ding Policía Constabularia, at sa Guardia Civil Veterana ay ang Policía Metropolitana na pawang americano at ang Policía Municipal na pawang filipino. Bucod sa Guardia Civil at Veterana'y may m~ga Cuadrillero pa na pawang filipino ang m~ga sundalo at pinunò, na ang caraniwa'y fusil na walang cabuluhán at talibóng ang m~ga sandata. N~g m~ga hulíng taón n~g Gobierno n~g castila'y nagcaroon sa Maynílà n~g m~ga tinatawag na "Guardia Municipal," na ang dalang sandata'y revolver at sable. Sa macatuwíd ang m~ga namamahalà n~g catahimican n~g m~ga namamayan, n~g m~ga hulíng panahón n~g m~ga castilà, dito sa Maynílà'y ang Guardia Civil Veterana, ang Guardia Municipal at ang Cuadrillero, at sa m~ga lalawiga'y ang Guardia Civil at ang Cuadrillero, bucód sa Policía Secreta na itinatag dito sa Maynílà, hindî co matandaan cung n~g taóng 1894 ó 1895.--P.H.P.

[35] Ang nagtuturò sa paaralan.--P.H.P.

[36] Colegio ó paaralang m~ga fraileng dominico ang may-arì at silá rin ang nan~gagtuturò.

[37] Tinatawag na "dialéctico" ang gumagamit n~g dialéctica. Ang "dialéctica'y" ang carunun~gang ucol sa pag iisip-ísip at ang m~ga pinanununtunang landás sa bagay na itó.--P.H.P.

[38] Si Santo Domingo de Guzman ang nagtatag n~g capisanan n~g m~ga fraileng dominico cayá sila'y tinatawag na m~ga anác ni Guzman.--P.H.P.

[39] Ang nananatili sa pakikipanayam sa sangcataohan; ang hindî sacerdote.

[40] Ang nagpápalagay n~g m~ga paláisipang dapat sagutin at tutulan sa pan~gan~gatowiran n~g catalo.

[41] Ito'y ang balitang si G. Benedicto de Luna, marunong na abogadong filipino.

[42] Ang pagtatan~gî at pagbubucod n~g pinagmamatuwirang anó man.

[43] Ang m~ga inanác ó iniapó n~g m~ga unang senador sa Roma.

[44] M~ga fraile.

[45] Si Enrique Heine ay bantóg na poeta at crítico alemán. Sumulat sa wicang alemán. Ipinan~ganác n~g 1796 at namatáy n~g 1856.

[46] Ang m~ga dios sa pinagtapunan.

[47] Ang Tyrol ay isáng magandáng panig n~g Suiza at Baviera at isá sa m~ga lalawigan n~g Austria-Hungría. May siyam na raang libong tao ang namamayan doon.

[48] Tinatawag na equinoccio ang pagcacaisá n~g hábà n~g araw at n~g gabí. Nagcacaequinoccio pagpapasimulâ n~g signo Aries at pagpapasimulâ namán n~g signo Libra. May equinoccio n~g tag-araw, mulâ sa 20 hanggang 21 n~g Marzo, at may equinoccio n~g tag-ulan, mulâ sa 22 hanggang 23 n~g Septiembre.

[49] Halos talós n~g lahát n~g fipinong ang cahulugán n~g "morisqueta" ay canin; n~guni't ang walâ marahil nacacaalám niyan ay cung saang wicà nanggaling; sa pagca't ang sabing morisqueta'y hindî wicang castilà, hindî tagalog, hindî latín, hindî insíc at iba pa.